Thursday, September 20, 2012

SEGUNDO


Nagkita tayo ulit, sa harap ng Seattle’s Best, may kasama ka pa ring kaibigan, habang bitbit ko ang Jollibee Value Meal, pabalik sa aking dormitoryo. Napansin ko ang iyong mapupungay na mata, tila nangungusap, nagpapahiwatag na nagkita tayo kagabi, sa Seattle’s Best, ngunit hindi tayo magkakilala. Sumakay ka ng dyip, nagpatuloy ako sa aking paglalakad. Napaisip ako, natawa, natuwa. Hanggang sa muling pagkikita. 

No comments:

Post a Comment