Saturday, September 01, 2012

BER NA NAMAN

Ber na naman. Buwan ng mga regalo, reunion, at ng malamig na simoy na hangin. Sa loob ng apat na buwan, ipagbubunyi naman natin ang kapanganakan ng batang Hesus - ang dahilan ng ating pag-asa, ang nagbibigay buhay sa ating mga pangarap.

Ber na naman. Buwan ng pamilya, kaibigan, at ng walang hanggang pagsasamahan. Sa loob ng apat na buwan, ang paligid ay mapupuno ng mga himig at huni ng mga masasayang pampaskong liriko - ang kwento ni Rudolph, ang pagkalembang ng mga Jingle Bells, ang pagsasadula sa buhay ni Frosty.

Ad Title: GIFTS YOU CAN'T WAIT TO GIVE
Ad Agency: Adam and Eve DDB United Kingdom
Client: John Lewis

Ber na naman. Buwan ng mga pusong nagmamahalan, ng mga pusong malalamig, at ng mga pusong kontento. Sa loob ng apat na buwan, sisikapin ng mga nilalang na mahanap ang tunay na kahulugan ng pag-ibig at hahanapin ito sa bawat sulok ng kanyang paligid - sa bawat pagsalubong sa mga tao, sa bawat araw-araw na karanasan, at sa bawat dahilan ng kanyang pagsisikap sa trabaho.

Ber na naman. Buwan ng pag-ibig, pagbibigayan, at paghingi ng katawaran. Sa loob ng apat na buwan, maraming regalo ang mabubuksan, maraming himig ang makakanta, at maraming buhay ang mahahanap ang kahulugan.

At sa bawat alaalang maguguhit sa mga regalo, himig at kahulugan, sana nawa'y mapagbunyi natin ang dahilan ng lahat, ang pinakamagandang surpresa - ang pagsilang ng pagmamahal, ang pagsilang ni Hesu Kristo.

No comments:

Post a Comment