Friday, October 26, 2012

30secondTHOUGHTS: Bangon

Umagang kay ganda.

Maaga akong gumising, alas singko pa lang, mulat na aking mga mata sa bagong araw. Kahit ang tanawin man sa labas ay makulimlim, batid ko na ang mga madidilm na ulap ay may tinatagong sinag ni Inang Araw - mga sinag ng pag-asa, ng mga pangako.

Kaya bumabangon ako para sa aking mga pangarap, para matupad ang mga ito, para mabuhay ito mula sa isang panaginip. Bumabangon ako dahil may mga taong naniniwala sa akin at alam kong hindi ako nila pababayaan.

At habang sinusulat ko ang mga salitang ito, unti-unting lumiliwanag ang tanawin sa labas, masasabing isang simpleng himala sa loob lamang ng sampung minuto.

Ikaw, para kanino ka bumabangon?

Ad Series: BANGON
Ad Agency: Publicis Manila
Client: Nescafe




No comments:

Post a Comment