Sunday, July 22, 2012

REBYU: INTOY SYOKOY (LEMUEL LORCA)


Tweetnopsis:
Sumisisid si Intoy sa dagat para sa tahong. Si Doray na babaeng hamog sinisisid ng mga lalakeng uhaw sa laman.Sumisisid sila para mabuhay.

Afterthoughts:
Ordinaryo. Gamit na ang tema ng pelikula - istorya ng mahihirap na kabataang namumuhay sa isang kalyeng dating pinamumuguran ng mga marinong Amerikano. Wala masyadong bagong anggulo, maliban na lang siguro sa paghabi ng kwento ni Doray (LJ Reyes) na kabarkada at love interest ni Intoy (JM de Guzman). Si Doray, isang out-of-school youth, ay napilitang maging isang babaeng hamog upang masuportahan ang pag-aaral ng dalawang nakababatang kapatid. Sa gabi, tinitinda niya ang sariling laman sa mga mangingisda kapalit ng ilang kilong isda na binibenta niya kaumagahan.


Favorites:
Ang pagganap ni LJ Reyes bilang Doray.

Review Hastag:
#LJReyesforBestActress




No comments:

Post a Comment