Saturday, December 01, 2012

30secondTHOUGHTS: Hating Kapatid

Disyembre 1,

Maligayang Pasko! Sa pagsalubong natin sa panahong ito, masarap din magbalik-tanaw sa mga buwan na nagdaan - mga araw ng biyaya, mga oras ng pananalampalataya, mga minuto kung saan hinahabi natin ang ating mga kanya-kanyang buhay.

Ang bilis ng takbo ng panahon. Akalain mong magsisimula na naman tayo sa panibagong yugto sa ating buhay - maliban na lang kung naniniwala kayo sa mga haka-hakang magtatapos na ang panahon sa pagkatapos ng buwang ito.

Sana nawa'y salubungin natin ang Kapaskuhan na nagmamahalan, nagkakaunawaan, at nagbibigayan. At nabanggit na din lamang ang "pagbibigayan", ang aking 30secondTHOUGHTS ay akma sa temang iyon.

Ang "Hating Kapatid"  ay isa sa mga naitampok na Christmas-themed short films ng GMA Network Inc. noong nakaraang taon. Paborito ko ang maikling pelikulang ito hindi lamang dahil tumagos ang kanyang mensahe sa aking puso - nagkataon din na ang mga pangunahing karakter sa short film ay kapangngalan ko, Si "Nino" at si "Jose." Astig di ba?

Maligayang 30secondTHOUGHTS!

Ad Title:            HATING KAPATID
Media:              GMA Network Inc.
Client:               So Lucky Soda Crackers



No comments:

Post a Comment